TLRC 30th Anniversary Pinaghahandaan na
Puspusan na ang isinasagawang paghahanda ng mga kawani ng TLRC para sa nalalapit na 30th Anniversary ng ahensya. Ang nasabing weeklong pearl anniversary celebration ay gaganapin sa February 2007.
Ito ay kapapalooban ng iba't-ibang special business opportunity sessions para sa mga nagbabalak magtayo ng negosyo.
Kabilang rin dito ang assistance services hinggil sa iba't-ibang pangangailangan ng mga bagong negosyante tulad ng micro-lending, business registration, branding and packaging advisory at iba pa.
Bukas din ang TLRC 30th Anniversary Celebration sa mga sponsors, advertisers at iba't-ibang mga business promoters.




