Print

TLRC at Land Bank Pinatatag ang Ugnayan

Written by Web Admin. Posted in News

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng TLRC at Land Bank kamakaylan para palawigin ang "Institutional Partnership" ng dalawang ahensiya.

sa ilalim ng kasunduang nilagdaan nina TLRC Director General Tony Ortiz at LandBank Senior Vice-President Nenita Veran, gagamitin ng TLRC managememt ang "ATM Payroll System" ng LandBank.

Ito ay para maging mas maayos, mabilis at "safe" ang pag-release sa sweldo ng mga kawani ng TLRC.

Malaki rin ang maitutulong ng ganitong "arrangement" upang lalo pang maging efficiente ang financial management activities ng TLRC lalo na't marami sa mga dating empleyado nito ang nag-avail kamakaylan ng retirement package sa ilalim ng "Government Rationalization Scheme."

Inaasahan ding mag-kasundo ang dalawang paning sa hinaharap hinggil sa pagiging "Visa Payments" recipient ng TLRC.

Nilalayon sa proyektong ito na maging conveniente para sa mga credit card holders ang pagbabayad ng mga "TLRC Products and Services" maging ito man ay "over the counter" o sa pamamagitan ng internet.

Connect with us social facebook box blue 24social twitter box blue 24

Powered by Joomla. Developed by Solutions Resource, Inc.