Pinakabagong mga Agri-Tech Manuals ng eTLRC
Mahigit apat na pung mga bagong Agri-Technology manuals ang nakatakdang ilathala sa eTLRC electronic library na maaring ma-access sa pamamagitan ng TLRC website.
Ang mga nasabing manuals ay nagmula sa “Food and Fertilizer Technology Center” ng bansang Taiwan.
Bukod sa fertilizer production, ilan sa mga ito ay tumutukoy din sa postharvest and livestock technologies, fruit and vegetable farming, at crops cultivation.
Magiging available din sa publiko ang mga nasabing lathalain sa TLRC Library na matatagpuan sa 2nd floor ng TLRC building sa J. Abad Santos Street sa San Juan, Metro Manila.





