Dairy Farming Courses, Ilulunsad
Nakatakdang magbukas ng mga kursong pangkabuhayan ang TLRC sa larangan ng "Dairy Farming and Dairy Products Processing."
Ito ay matapos lagdaan ni TLRC Director General Antonio Ortiz at ni Dairy Confederation of the Philippines Chairman Danilo Fausto ang isang kasunduan ukol sa pagsasa-publiko ng mga teknolohiya na ginagamit sa nasabing industriya.
Kabilang dito ang pag ko-conduct ng mga trainings, pag-imprenta ng mga manuals, at pagpapalaganap ng dairy farming technologies sa iba't-ibang prubinsya sa pakikipag-tulungan ng mga Technology and Livelihood Development Centers sa buong bansa.





